Australia, tiniyak na tutulungan ang Pilipinas para maprotektahan at maayos muli ang marine environment

Courtesy: Philippine Coast Guard

Iginiit ng Australia na patuloy silang makikipagtulungan sa Pilipinas para maprotektahan ang marine environment at mga bahura nito.

Kung saan lumagda ang dalawang bansa sa naturang globe treaty para protektahan ang mga karagatan sa ilalim ng framework ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ayusin muli ang mga ito sa pamamagitan ng restoration ng coral reefs.

Para sa proteksyon ng karagatan at palakasin pa ang conservation ng marine biodiversity na pinagkukunan rin ng pangkabuhayan ng mga mangingisda.


Matatandaan ang mainit na pagtanggap ni Yu sa paglagda ng makasaysayang UN High Seas Biodiversity Treaty ng Pilipinas at Australia matapos mgpahayag ng pagkabahala dahil sa nadiskubreng napinsalang corals sa Rozul Reef.

Sa huli, nanawagan ang Australia na tigilan na ang lahat ng mapanganib na mga aktibidad sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Facebook Comments