Australia, walang naitalang kaso ng COVID-19 sa unang pagkakataon

Inihayag ng Health Minister ng Australia na wala silang naitalang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon kay Australia Health Minister Greg Hunt, nagpapasalamat sila sa mga health workers gayundin sa kanilang mga mamamayan dahil sa tulong at suporta na kanilang ibinibigay para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Bagama’t nakapagtala ng zero community transmission, isinara pa rin ng federal government ang mga border para sa mga non-essential travel sa Melbourne patungong Victoria kung saan pinapayuhan ang mga residente na mag-suot na lamang ng face mask kaysa sa face shield at bandana.


Nabatid na umaabot na sa 27,595 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Australia at 25,336 ang nakarekober habang 907 ang nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments