Nakatakdang pumunta sa Pilipinas si Australian Defense Minister Richard Marles para obserbahan ang joint training drills sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Ang naturang military drills ay nakatutok sa usaping seguridad sa rehiyon sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Nasa mahigit 2000 defense personnel ng dalawang bansa ang makikilahok sa amphibious landing at air assault drills kung saan magsasagawa ang 2 Australian navy vessels, HMAS Canberra at HMAS ANZAC ng bilateral exercises kasama ang Philippines Navy.
Bagama’t taunang isinasagawa nang Australia ang defense exercises sa Southeast Asia, ito naman ang kauna-unahang amphibious exercise, ang paggalaw ng ground at air forces mula sa barko at baybayin.