Nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa unang pagkakataon si Australian Foreign Minister Penny Wong sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magkakaroon ng bilateral meeting sina Wong at DFA Sec. Enrique Manalo sa Nov. 15 para talakayin ang kooperasyon at ang kasalukuyang estado ng kanilang bilateral relations.
Tututukan din nila Wong at Manalo ang pagpapalakas ng defense at security; development cooperation; maritime cooperation at ugnayan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Australia.
Inaasahang tatalakayin din ng dalawang opisyal ang mga isyu sa rehiyon kabilang ang sitwasyon sa West Philippine Sea, ang AUKUS Enhanced Trilateral Security Partnership, ang Quad, at ang pakikipag-ugnayan ng ASEAN-Australia.
Facebook Comments