Australian Government, nagbigay ng 17.9 milyong pisong halaga ng mga medical equipment sa AFP para labanan ang COVID-19

Nakatanggap ng medical equipment ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na aabot sa halagang 17.9 milyong piso mula sa Australian Government.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, isinagawa ang turn-over ceremony sa Victoriano Luna Medical Center kahapon, June 11, 2020.

Tinanggap ito nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. mula kay Australian Defense Attache to the Philippines Group Captain Ian Goold.


Ang mga medical equipment ay kinabibilangan ng Beta Plus Motor Electric Bed with Bedside Cabinet and Overbed, Pulse Oximeter, ECG Machine, Mobile Radiography System at iba pa.

Lubos naman ang pasasalamat ng AFP dahil napili ng Australian Government ang AFP Medical Center para mabigyan ng nasa 18 milyong pisong halaga ng mga medical equipment.

Sinabi ni Santos na malaki ang maitutulong ng mga ito para ma-kontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.

Umaasa naman si Santos na patuloy ang pagtutulungan ng Pilipinas at Austalia para labanan ang COVID-19.

Facebook Comments