Australian national, arestado sa brutal na pagpatay ng aso sa Cebu

1779
Facebook video/Yresoj Oñetap

Arestado ang isang banyaga sa Cebu matapos ang malupit na pagpatay nito sa isang aso sa Cordova, Cebu.

Nakuhanan sa bidyo ang kinilalang si Reeve Peter, 60, na pinaghahampas ng martilyo at ginulungan pa ng truck ang katawan ng aso.


Depensa ni Peter, “mercy killing” ang ginawa niya sa asong nilason umano bago ang insidente.

Ayon naman sa Facebook post ni Gretel RB ng Saving Strays Cebu nitong Oktubre 14, bago ang pagmamalupit, may ilang residente na nagpakain ng asukal sa aso nang mahinuhang nilason ito.

Bumuti umano nang bahagya ang lagay ng hayop, pero nagpumilit ang dayuhan na wakasan na ang buhay nito.

 

Nahaharap si Peter sa mga kasong paglabag sa Animal Welfare Act na may parusang maaaring umabot hanggang dalawang taong pagkakakulong at multa na hindi tataas sa P100,000.

Facebook Comments

From Advertisers