Australian Prime Minister Anthony Albanese, nasa bansa ngayon at bumisita sa Malacañang

Nasa Pilipinas ngayon si Australian Prime Minister Anthony Albanese para sa kanyang official visit.

Sa ulat ng Presidential Communications Office, bumisita ang Australian Prime Minister ngayong umaga sa Palasyo ng Malacañang.

Binigyan ito ng arrival honors at pumirma sa guestbook bago nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Inaasahang matatalakay ng dalawang lider ang usapin patungkol sa defense at security, kalakalan, economic development at maritime cooperation at iba pang mga prayoridad na isyu.

Ito ang unang pagbisita ni Prime Minister Albanese sa Pilipinas simula noong taong 2003.

Ang Pilipinas at Australia ay nagdiriwang ng ika 75 tang bilateral relationship at diplomatic ties noong 2021.

Facebook Comments