Muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Austria.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Charge d’affaires Deena Joy Amatong na isa ang Austria sa unang nakaranas ng 4th wave ng COVID-19.
Sa katunayan, kahapon, December 1, naitala ang higit sa 10,000 mga bagong kaso ng COVID-19 at 167,000 naman ang mga aktibong kaso.
Ani Amatong lubhang nakakabahala ang datos dahil nasa higit 9 milyon lamang ang kabuuang populasyon sa Austria.
Samantala, 2 na ang kumpirmadong Omicron COVID- 19 variant case ngayon sa Austria, kaya’t agad na naghigpit ang Austrian government.
Nabatid na kabilang ang Austria sa red list country o may travel ban ang bansa at hindi muna maaring pumasok sa Pilipinas ang mga magmumula dito.
Facebook Comments