Austria, kukuha ng 75,000 – 200,000 Pinoy workers

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na aabot ng 200,000 Filipino workers ang kakailanganin ng Austria simula sa susunod na taon.

Ayon sa DMW, kabilang dito ang skilled tourism at hospitality workers, gayun din ang unskilled workers na ide-deploy sa mga tourist destination sa iba’t ibang bahagi ng Austria tulad ng  Tyrol, Salzburg,Upper Austria, Lower Austria, Vienna, Styria, at Carinthia.

Mangangailangan din anila ang Austria ng technicians sa sectors ng data processing, voltage building, at high-voltage/low-systems.


Malaki rin anila ang pangangailangan sa business administration,at mechanical engineering sa Upper Austria, Vienna, Styria, at Carinthia.

Habang machine fitters na may mataas na   academic credentials naman aniya ang hinahanap sa Upper Austria.

Pinapayuhan naman ng DMW ang Filipino migrant workers na nais manirahan sa  Austria ng mahigit kalahating taon na mag-apply para sa  Red-White-Red Card.

Ang naturang  programa kasi ay nag-o-offer ng  residence at employment permit ng hanggang dalawang taon at maaari pa itong ma-extend.

Sakop anila rito ang   skilled workers tulad ng construction, engineering, at healthcare.

Facebook Comments