Austrian private recruitment agencies, dumating sa Pilipinas para kumuha ng mahigit 500 Pinoy workers

Walong private recruitment agencies mula sa Austria ang dumating sa Pilipinas para kumuha ng mahigit 500 Pinoy workers.

546 job orders ang iniaalok ng Austrian employers sa mga Pilipino.

Partikular na ide-deploy ang Pinoy workers sa healthcare, hotel and restaurant, customer services, at iba pang sektor sa Austria.

Nagpatutuloy naman ngayon ang screening sa mga aplikanteng Pinoy na ginagawa sa isang mall sa Quezon City.

Kasabay nito ang ginagawang Pre-Employment Orientation Seminar ng Department of Migrant Workers para maihanda ang mga Pinoy na ide-deploy sa Austria.

Layon din nito na mailayo sila sa illegal recruitment at human trafficking.

Facebook Comments