AUTO-ACCEPT FEATURE | Destinasyon ng pasahero, hindi na makikita ng mga driver ng Grab

Manila, Philippines – Simula sa Biyernes, April 27 hindi agad makikita ng ilang Grab driver ang destinasyon ng mga nag-book na pasahero.

Ito ay tugon sa mga reklamo ng mga pasahero laban sa mga Grab driver.

Ayon kay Grab Philippines Country Head Brian Cu, makikita lang ng driver ang destinasyon kung tinanggap na nito ang booking ng pasahero.


Maliban rito, maglalabas rin aniya sila ng auto-accept feature kung saan otomatikong maaassign sa mga driver ang mga passenger request.

Kasabay nito, nanindigan si Cu na ang nararanasang pahirapan sa pag-book sa Grab ay bunga ng kakaunting bumibiyahe nilang drivers.

Facebook Comments