Ayon kay COMELEC Dagupan Election Officer Atty. Frank Sarmiento, maagang inihatid ang mga ito upang maisagawa ng mga Electoral Boards (EBs) ang final testing at sealing. Tiniyak ng Opisyal na Sa bawat voting center ay may dalawang EBs kasama ang mga PNP personnel upang masigurong ligtas na makakarating ang mga kagamitan.
Isa-isa ring dumaan sa beripikasyon ng tanggapan ang dumating na 163 boxes ng official ballots na siyang materyal na gagamitin ng mga botante.
Ayon kay Atty. Sarmiento, isang official ballot lamang ang nakalaan sa bawat botante at kung sakaling magkaroon ng sira at hindi tanggapin ng machine ay awtomatikong hindi isasama sa bilang ang boto.
Ngayong araw nakatakdang isagawa ang final testing and sealing (FTS) ng mga ACMs bilang pagtitiyak na magiging maayos sa darating na botohan.
Ang Dagupan City ay mayroong 144,481 bilang ng mga rehistradong botante. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










