Isasarado na ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang Automated Election System (AES) Servers at Network Infrastructure ngayong araw.
Ayon sa COMELEC, alas-9 ng umaga mamaya papatayin ang system dahil naiproklama na naman ang mga kandidato sa nakalipas na 2022 elections.
Dahil diyan, nakatakdang i-shutdown mamaya ang Central Data Center na nasa Taguig City, Transparency Data Center sa Parañaque City, at Back-up Data Center-data One sa Quezon City.
Sabi ni COMELEC Commissioner George Garcia, inimbitahan nila ang mga political party at mga citizens’ arm groups para masaksihan ang gagawing pag-shutdown sa mga system.
kasunod nito, tiniyak naman ng COMELEC na hindi nila buburahin ang mga data na Nakalagay sa kanilang mga server.
Facebook Comments