AUTOMATED EXAMINATION PARA MAKAKUHA NG DRIVER’S LICENSE SA PANGASINAN, KASADO NA

Handa na ang pasilidad upang maipatupad ang automated examination system upang makakuha ng driver’s license ang mga Pangasinense.

Kinumpirma ng Land Transportation Office Region 1 na walang naging aberya sa mga computer na gagamitin para sa automated theoretical examination ng extension office sa Bayambang.

Gagamitin na ang pasilidad sa mga bagong driver’s license application sa lalawigan.

Layunin nitong mapadali ang sistema ng pagkuha ng lisensya bilang kwalipikasyon sa pagtitiyak na lisensyado ang mga motorista sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments