Automatic fare adjustment, target maipatupad sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Target ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na maipatupad sa Abril ang otomatikong pagbabago sa pamasahe depende sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, inaayos na ng kanilang Technical Working Group (TWG) ang magiging formula ng pagtaas-baba ng pamasahe sa mga pampasahehong jeep.

Una nang ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa LTFRB ang pagkakaroon ng flexible formula sa pamasahe.


Ito ay kasunod ng pagbabalik sa minimum fare na P9 matapos magmura ang produktong petrolyo sa huling quarter ng 2018.

Facebook Comments