Manila, Philippines – Muling maghaharap sa isang pagdinig sa Abril ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at grupo ng mga pampasaherong jeepney para pag-usapan ang automatic fare matrix.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, umaasa pa rin silang didinggin ng LTFRB ang kanilang suhuwestyon na magpatupad ng standard na pamasahe depende sa presyo ng produktong petrolyo.
Aniya, dapat manatili sa P9 ang pamasahe sa jeep kapag nasa apatnapung piso ang kada litro ng langis.
Habang dapat gawing P10 ang minimum na pamasahe kapag nasa P45 ang kada litro ng krudo at P11 naman kapag pumalo sa P48 ang kada litro ng petrolyo.
Facebook Comments