Automatic ID System, dapat i-require sa mga barkong dumadaan sa territorial waters ng Pilipinas – Justice Carpio

Naniniwala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat i-require ng Pilipinas ang mga barkong dumaraan sa ating karagatan sa ilalim ng ‘innocent passage’ na panatilihing gumagana ang kanilang identification system.

Ito ang pahayag ni Carpio bilang pagsang-ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na may ilang barko ng China ang nagpapatay ng kanilang Automatic Identification System o AIS habang dumaraan sa Sibutu Strait.

Ayon kay Carpio – lahat ng barkong dumaraan sa territorial sea ng Pilipinas ay hindi dapat pinapatay ang kanilang AIS.


Aniya, pinapayagan ang innocent passage sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

Pero ang pagpatay sa AIS ay nangangahulugang may lihim itong ginagawa.

Iniimestigahan na ng AFP ang insidente pero ikinokonsidera na nila itong abuso at paglabag sa rule of law.

Facebook Comments