
Itinutulak ni Senate President Chiz Escudero sa Senado ang awtomatikong promosyon sa lahat ng opisyal at mga kawani ng gobyerno oras na magretiro sa serbisyo.
Sa inihaing Senate Bill 282 ni Escudero, iaangat sa isang grade level ang pwesto ng government employee mula sa kasalukuyang hawak na posisyon ng isang magreretiro.
Ang promosyon na rin ang magiging batayan ng computation ng kanilang retirement pay.
Saklaw ng automatic promotion ang mga eligible para sa compulsory retirement at hindi sa mga kukuha ng early retirement.
Iginiit ni Escudero na ang polisiyang ito ay ipinatutupad sa militar kapag nagretiro kaya nararapat na pairalin din ito sa civil service bilang paraan na rin ng pagkilala sa mahabang panahon ng kanilang serbisyo.
Facebook Comments









