Automation ng buong proseso sa Bureau of Customs, sagot sa katiwalian sa ahensya

Iginiit ni Senator Win Gatchalian na gawing automated at alisin na ang human intervention sa lahat ng proseso sa Bureau Of Customs.

 

Ito ang nakikitang paraan ni Gatchalian para masolusyunan ang nagpaaptuloy na katiwalian sa BOC.

 

Mungkahi ito ni Gatchalian kasunod ng report ng US Office of the Trade Representative o USTR na tuloy pa rin ang korapsyon sa BOC.


 

Pruweba umano nito ang iregularidad sa valuation process at pag-inspeksyon o pagsusuri sa mga produkto kung saan may mga customs officials ang kumukubra ng kwestyunable at unrecorded na facilitation fees.

 

Giit ni Gatchalian, kailangang masolusyunan na ang problema sa BOC dahil apektado nito ang dayuhang pamumuhunan sa bansa at paghina natin sa larangan ng kalakalan.

 

Una rito ay inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution No. 1015 na nagsusulong ng imbestigasyon sa hindi maawat awat na korapsyon sa BOC at epekto nito sa ating ekonomiya.

 

Sa isinusulong na pagdinig ay layunin ni Gatchalian na matukoy ang mga nararapat na hakbang para maging epektibo ang mga repormang ipinapatupad sa BOC.

Facebook Comments