Automation ng buong proseso sa Bureau of Customs, sagot sa katiwalian sa ahensya

Iginiit ni Senator Win Gatchalian na gawing automated at alisin na ang human intervention sa lahat ng proseso sa Bureau of Customs o BOC.

Ito ang nakikitang paraan ni Gatchalian para masolusyunan ang nagpaaptuloy na katiwalian sa BOC.

Mungkahi ito ni Gatchalian kasunod ng report ng US Office of the Trade Representative o USTR na tuloy pa rin ang korapsyon sa BOC.


Pruweba umano nito ang iregularidad sa valuation process at pag-inspeksyon o pagsusuri sa mga produkto kung saan may mga customs officials ang kumukubra ng kwestyunable at unrecorded na facilitation fees.

Giit ni Gatchalian, kailangang masolusyunan na ang problema sa BOC dahil apektado nito ang dayuhang pamumuhunan sa bansa at paghina natin sa larangan ng kalakalan.

Una rito ay inihain ni Gatchalian ang Senate resolution no. 1015 na nagsusulong ng imbestigasyon sa hindi maawat awat na korapsyon sa BOC at epekto nito sa ating ekonomiya.

Sa isinusulong na pagdinig ay layunin ni gatchalian na matukoy ang mga nararapat na hakbang para maging epektibo ang mga repormang ipinapatupad sa BOC.

Ilan sa mga kasamahan ni Rappler CEO Maria Ressa, naghain ng not gulity plea sa Pasig RTC naghain ng not guilty ang limang board member na kasamang nakasuhan ni CEO Rappler Maria Ressa ng paglabag sa anti-dummy law sa kanilang naging arraignment kanina sa Pasig Regional Trial Court o RTC.

Ilan sa kanila ay sina Rappler Managing Editor na si Glenda Gloria, mga board members na sina Manuel Ayala, Felicia Atienza, Nico Jose Nolledo at James Velasquez.

Hindi naman nakadalo sa nasabing arraignment ang isa pang board member na si James Bitanga na nasa ibang bansa tulad ni Ressa na nasa New York City sa Amerika para dumalo sa isang speaking engagement.

Itinakda naman sa may 2, araw ng huwebes ang arraignment ni Ressa habang inaayos pa sa ngayon ang schedule para kay Bitanga.

Nag-ugat ang nasabing kaso sa pag- issue ng Rappler ng Philippine Depositary Receipt (PDR) sa Omidyar Network Fund kung saan muli din iginiit ng pamunuan ng Rappler na 100 percent Filipino owned ang kanilang kumpaniya.

Facebook Comments