Manila, Philippines – Nababahala ang industriya ng sasakyan o automotive sa magiging epekto ng tax reform package na isinusulong ng gobyerno.
Ito’y matapos lumusot sa committee level sa kamara ang tax reform package na isinusulong Finance Department.
Kasama sa probisyon nito na itaas sa 4% sa kasalukuyang excise tax na 2%, gayundin ang pagpapataw ng 6 pesos na dagdag na buwis sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Marcars Trading President Mark Martinez – posibleng sa simula lamang ang magiging magandang epekto ng dagdag buwis sa kanilang mga negosyo.
Paliwanag ng Finance Department, hindi naman masasakal ang auto industry dahil kasama sa reporma ang pagbaba ng personal income tax kaya tataas ang disposable income ng mga Pilipino para mamili.
DZXL558