Estados Unidos – Inalis ng transport network company na Uber ang kanilang
mga ‘self-driving cars’ o mga sasakyang pwedeng bumiyahe kahit walang
maniobra ng driver.
Ito ay matapos mabundol ng isang self-driving Uber SUV ang isang 49-anyos
na babae na naglalakad lamang bitbit ang bisikleta sa Tempe, Arizona.
Lumabas sa imbestigasyon, naka-autonomous mode ang sasakyan nang mangyari
ang pagbangga habang mayroong naka-antabay na vehicle operator sa loob nito.
Nakikipagtulungan na ang Uber sa imbestigasyon at nagpa-abot na ng
pakikiramay sa pamilya ng biktima.
<#m_2176496440308906612_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
Facebook Comments