Manila, Philippines – Pinamamadali ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kamara ang pag-apruba sa panukalang gawing hiwalay na sangay ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang Philippine Marine Corp. Sa kasalukuyan, ang Philippine Marines ay nasa ilalim ng Philippine Navy. Sa ilalim ng House Bill 7304 na inihain ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, magiging distinct at autonomous na ang Marines gaya ng Phil Navy, Phil Army at Phil Air Force. Giit ng dalawang lider ng Kamara, apektado ang pondo at ang organisasyon ng Philippine Marines dahil sa kawalan ng sariling charter. Sa oras na maging ganap na batas, magkakaroon ang marines ng ng malinaw na otorisasyon para sumuporta sa law enforcement agencies at tumugon sa oras ng kalamidad at trahedya. Pamumunuan ang Marines ng isang commandant na may ranggong Lieutenant General na itatalaga ng Pangulo ng bansa at mayroong tatlong base sa Luzon, Visayas at Mindanao.
AUTONOMOUS | Panukala na gawing hiwalay na sangay ng AFP ang Philippine Marines, pinaaaprubahan na agad sa Kamara
Facebook Comments