AUTOPRO Pangasinan hangad ang mapayapang tigil pasada sa Lunes

Hangad ng Alliance of Transport Organizations Province-wide Pangasinan ang mapayapang tigil pasada sa darating na Lunes kahit pa magsasama sama ang mga ito upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa ibat-ibang polisiya ng gobyerno lalo na sa PUV Modernization Program.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay AUTOPRO Pangasinan President Bernard Tuliao, sinabi nito na pagpasensyahan na muna ang mga transport group na lalahok sa Lunes sa ikinasang tigil pasada.
Nais umano ng grupo na ipaglaban ang kanilang karapatan at mapakinggan ang kanilang hinaing.
Dagdag ni Tuliao, hindi pa handa ang mga drayber ng Pangasinan sa nais na PUV Modernization Program at humihingi ng palugit.
Samantala, hindi naman pipilitin ng mga ito ang driver na hindi makikilahok sa ikinasang transport strike. ###

Facebook Comments