Humingi ng paumanhin ang Alliance of Transport Organization Province-wide o AUTOPRO Pangasinan sa ikinasang transport strike kahapon ng mga jeepney drivers ukol sa ipinaglalaban na paghingi ng palugit sa PUV Modernization Program ng gobyerno.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay AUTOPRO Pangasinan President Bernard Tuliao, nais lamang nilang iparating ang kanilang hinaing sa gobyerno dahil sa ilang pagtutol ng mga ito sa nais ng pamahalaan sa indutriya ng transportasyon kung kaya’t humingi ito ng pasesya sa mga commuter na naapektuhan.
Nagpasalamat din ito sa mga naki-isang driver sa kanilang transport strike at masasabi umanong naging matagumpay dahil sa pagkakaisa ng mga kasama nito sa paghahanap buhay.
Samantala, nakatakdang mag-usap ang mga transport groups at ang Land Tranportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region 1 para sa isang dayalogo.
*###*