Autopsy ng batang nasawi dahil umano sa sampal ng guro, natapos na ayon sa PNP Forensic Group

Nakumpleto na ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group ang proseso ng autopsy para sa labi ni Francis Jay Gumikib, ang grade 5 student na nasawi umano dahil sa pananampal ng isang guro sa Penafrancia Elementary School sa Antipolo City.

Ayon kay Police Major Sotero Rodrigo, Public Information Officer ng PNP Forensic Group na inabot ng mahigit dalawang oras bago natapos ang autopsy.

Paliwanag ni Rodrigo pagkatapos nito, agad na umano nilang nilabas ang labi ng Grade 5 student.


Nabatid na Global Brain Edema o pamamanas ng utak ang itinuturing sanhi sa pagkasawi ng bata base sa death certificate nito mula sa amang Rodriguez

Gayunman, aalamin ng forensic group kung may iba pa bang sakit ang bata at kung matagal na itong may iniindang sakit sa katawan.

Sa ngayon, naibalik na sa Heaven’s Gate Chapel sa Antipolo City ang labi ni Gumikib bago iburol.

Aabutin naman ng pitong araw bago mailabas ang resulta ng autopsy.

Facebook Comments