Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na dapat confidential ang resulta ng autopsy na isinagawa sa labi ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, ipina-uubaya na nila sa Crime Laboratory ang paglalabas ng dokumento.
Pero sinabi ni Usana na ang pagsisiwalat ng nilalaman ng autopsy report ay isang uri ng disinformation.
Ipinauubaya na ni Usana kay PNP Chief Police General Debold Sinas, o iba pang imbestigador na ilabas ang impormasyon hinggil dito.
Una nang lumabas sa ulat na ang ikinamatay ni Dacera ay aortic aneurysm, pero iginiit ng pamilya nito na ginahasa at inabuso ang biktima.
Facebook Comments