Manila, Philippines – Lumabas sa autopsy report ng Commission on Human Rights (CHR) na ginamitan ng blunt instrument ang nasawing si Genesis “Tisoy” Argoncillo.
Ayon kay CHR Commissioner Roberto Cadiz, napinsala ng blunt instrument ay ang internal organs ni Tisoy.
Nagtamo rin aniya ng malalalang tama sa mukha, katawan at paa si Tisoy.
Sabi naman ni QCPD Director Chief Superintendent Joselito Esquivel, na patuloy ang kanilang imbestigasyon lalo at posibleng dalawang preso lang ang nakapatay kay Tisoy.
Una nang sinampahan ng kasong murder sina Justin Mercado at Richard Bautista na suspek sa pagpatay ni “Tisoy” na kapwa miyembro ng sputnik gang.
Habang sinibak na ang mga pulis ng QCPD Station 4 kung saan nasawi si Tisoy.
Facebook Comments