Autopsy report ng mga nasawi sa Resorts World Manila – inilabas na ng PNP crime lab

192

Manila, Philippines – Dahil sa suffocation ang ikinasawi ng 36 mula sa 38 namatay sa Resorts World Manila attack.

Ito ang kinumpirma ni PNP Crime Laboratory Dir. Chief Supt Aurellio Trampe base sa kanilang ginawang autopsy sa mga labi ng nasawi.


Paliwanag ni Medical Officer 4 Dr. Jane Monzon na nangingitim na ang mga bumbunan at ngala-ngala ng mga namatay, indikasyon na sila ay na-suffocate.

Isa naman sa mga nasawi ay namatay sa atake sa puso.

Maliban dito wala nang nakitang pang dahilan ang PNP crime lab na ibang sanhi sa pagkasawi ng mga biktima.

Una nang lumabas sa mga report na ang naging unang mga report na lima sa mga nasawi ay namatay sa pamamaril.
DZXL558




Facebook Comments