Magiging susi raw ang autopsy report ng NBI sa mga labi ng OFW para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito sa kamay ng kanyang mga employer sa Kuwait.
Ayon kay TUCP President at Party-list Representative’s Committee Chairman on Overseas Foreign Workers Affairs Raymond Mendoza, ipapatawag nila bukas sa isang special meeting ng komite ang NBI na nag-iimbestiga sa kaso ni Jeanelyn Villavende.
Mas mahalaga aniya ang ulat ng NBI sa paghahanap ng hustiya na hindi lamang nakadepende sa autopsy report ng Kuwaiti government.
Si Mendoza ang naghain ng House Resolution 641 para imbestigahan ang kaso ni Jeanelyn in aid of legislation para mas mapahusay pa ang kasalukuyang polisiya ng pamahalaan sa pangangalaga at pagbibigay ng tulong lalo na sa mga distressed OFWs.
Bukod sa NBI, kasama ring inimbitahan na dumalo sa hearing bukas ang recruiter ni Jeanelyn, mga magulang nito, ang DOLE, Department of Foreign Affairs, POEA, OWWA at Government Agency Task Force na in- harge sa evacuation ng mga OFWs sa Middle East.