Manila, Philippines – Isusumite bukas sa pagdinig ng Senado ng Public Attorneys Office ang autopsy report sa pagkamatay ng 19-ayos na si Carl Angelo Arnaiz.
Sa interview ng RMN kay PAO Forensic Team Chief Erwin Erfe, posibleng maungkat din sa pagdinig ng Senado ang nangyari sa binata.
Batay sa forensic report ng PAO – bukod sa tinorture, sinadyang pinatay si Carl matapos siyang magtamo ng tatlong tama ng baril sa dibdib.
Plano naman ng pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa mga pulis Caloocan na umano’y nasa likod ng pagpatay kay Arnaiz.
Facebook Comments