Manila, Philippines – Maaari nang magamit sa North Luzon Expressway (NLEX),
Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX), at Manila–Cavite Expressway
(CAVITEX) ang autosweep RFID stickers bilang alternatibong paraan ng
pagbayad sa mga toll plaza.
Dati kasi ay sa South Luzon Expressway (SLEX), Metro Manila Skyway, NAIA
Expressway, at Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX) lang ito nagagamit.
Para magamit, kailangan munang irehistro ang autosweep RFID sa mga customer
care outlet ng easytrip sa Balintawak, Quezon City at sa CAVITEX.
Habang hindi na rin kailangan magpalagay ng panibagong sticker.
Gumagamit ang electronic pass ng teknolohiyang Radio-Frequency
Identification (RFID) para sa “cashless transaction” o pagbabayad nang
hindi na naglalabas ng pera sa mga toll.
Gayunman, hindi pa pwedeng magamit sa SLEX, Skyway, NAIA Expressway, at MCX
ang easytrip RFID, na ginagamit sa NLEX, SCTEX, at CAVITEX.
Sa Hunyo pa ang target na deadline ng gobyerno para magamit ang parehong
RFID sa lahat ng mga toll.
<#m_8754013004758304463_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>