AVC ASIAN CUP | Pinay spikers, bigong makapasok sa last eight

Thailand – Yumuko ang Team Pilipinas kontra Iran sa five sets, 29-27, 16-25, 25-17, 12-25, 13-15 sa AVC Asian Cup na ginaganap sa Korat Chatchai Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Nagtulong sina Aby MaraƱo, Mika Reyes, Mylene Paat at Alyssa Valdez para makipagdikdikan sa mga Iranian hanggang sa 13-all sa final set.

Pero sumandal ang Iran kay Maedeh Borgani para makuha ang huling dalawang puntos at ang ikalawa nilang sunod na panalo sa torneo.


Ito ang ikalawang talo ng mga Pinay Spikers na naunang nadapa kontra Australia noong Linggo, 23-25, 25-21, 24-26, 16-25, 10-15.

Dahil dito hindi na makakausad sa quarterfinals ng torneo ang Team Pilipinas.

Facebook Comments