Average COVID-19 test sa Pilipinas, umabot na sa 50,000 – Dizon

Tumaas ang bilang ng mga naisasagawang COVID-19 test sa bansa nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, ang COVID-19 test na isinagawa mula February 17 hanggang 23 ay nasa 34,923.

Pero tumaas ito pagsapit ng March 3 hanggang 9 na nasa 38,916 at March 17 hanggang 23 na nasa 52,930.


Nitong April 7 hanggang 13 ay sumampa sa 55,798 COVID-19 test ang nagawa.

Bahagyang bumaba ito nitong April 14 hanggang 20 na nasa 53,610.

Samantala, aabot sa 200,000 antigen test kits ang ipinadala sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Facebook Comments