Bahagyang bumaba na ang Average Daily Attack Rate (ADAR) na naitala sa lungsod ng Navotas.
Mula sa 47.67% noong August 7 hanggang 13, bumaba sa 36.95% ang ADAR sa lungsod mula August 11 hanggang 17.
Sa ngayon sa buong Metro Manila, ang lungsod ng Makati na ang may pinakamataas na ADAR na nasa 44.47% na sinundan ng Navotas, Muntinlupa sa 35.64%, Malabon sa 31.53% at Parañaque na nasa 31.02%.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kung titingnan ay nasa apat na araw lamang ang lumipas ay napababa na ng bahagya ng lungsod ang kaso.
Ibig sabihin, kung seseryosohin ang mga pag-iingat laban sa COVID-19 ay kakayanin ng syudad na mapababa pa nang husto ang kanilang mga COVID-19 cases.
Nakiusap naman muli ang alkalde sa mga residente na gawing personal na misyon ng kanilang mamamayan ang pagtapos sa pandemya sa pamamagitan ng pagsunod sa health at safety protocols.