Average daily COVID-19 cases sa NCR, bumaba ng 18% – OCTA

Bumaba pa ang average daily COVID-19 cases na naitatala sa Metro Manila.

Sa datos ng OCTA Research, nasa 758 ang average cases per day ang naitatala mula June 11 hanggang 17.

Ito ay 18% na mababa sa 942 cases na daily average noong June 4 hanggang 10.


Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bagama’t hindi mabilis ang downward trend ay importanteng bumaba ang bilang ng mga kaso.

Ang Metro Manila aniya ay nagkaroon ng dalawang COVID surges: ang July-August 2020; at February-March 2021.

Ang daily attack rate sa Metro Manila ay 5.49 per 100,000 na ikina-classify bilang “moderate.”

Ang reproduction number ay nasa 0.71, positivity rate ay nasa 7%.

Ang hospital bed occupancy sa Metro Manila ay 35%, ICU bed occupancy ay nasa 46%, at 31% naman para sa mechanical ventilator occupancy.

Facebook Comments