Tumaas pa ang average number ng daily new COVID-19 cases sa Metro Manila.
Sa datos ng OCTA Research mula July 16 hanggang 22, tumaas sa 851 ang daily new cases, 39% na mataas kumpara sa 613 cases noong July 9 hanggang 15.
Napapansin din ang pagtaas ng reproduction number sa Metro Manila na nasa 1.21.
Ang kaso sa Manila, Caloocan, at Valenzuela ay tumaas ng 40-percent.
Mataas naman ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa Makati City.
Nananatili naman sa 6-percent ang positivity rate sa Metro Manila.
Facebook Comments