Average na bilang ng kaso ng COVID-19 kada araw sa nakalipas na linggo, bumaba pa ng 13%

Photo Courtesy: DOH

Sa nakalipas na linggo ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng average na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw na 510.

Ito ay mas mababa ng 13% kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso 7 hanggang 13.

Sa mga bagong kaso, 1% o 0.03% ang kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan.


Habang 655 ang kabuuang binawian ng buhay noong nakaraang linggo.

Noong Marso 14,2022, 805 naman na kritikal na COVID patients ang naka-admit sa mga ospital.

Sa 3,473 Intensive Care Unit (ICU) beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 704 (17.8%) ang okupado.

Habang 16.6% ng 27,376 na non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.

Facebook Comments