Average na kaso ng COVID-19 kada araw sa nakalipas na linggo, mas mataas ng 44%

404

Umabot sa 14,640 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa nakalipas na linggo.

Ito ay katumbas ng 2,091 na average na arawang kaso ng infection noong nakaraang linggo.

Ayon sa DOH, Mas mataas ito ng 44 percent kumpara sa kaso noong July 04 hanggang July 10.


Samantala, kahapon, July 17, nasa 589 na pasyente ng COVID-19 na malubha at kritikal ang kondisyon ang naka-admit sa mga ospital.

18.3% ng ICU beds o 481 mula sa 2630 ang okupado.

Habang 23.8% ng 21,809 na non-ICU Covid beds ang ginagamit din ng mga na-infect ng sakit.



Facebook Comments