Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na dumoble ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, partikular na nagkakaroon ng consistent na pagtaas ng kaso ng infection sa Metro Manila.
Sinabi ni Vergeire na umaabot sa 70% ang itinaas sa kaso sa National Capital Region (NCR).
Bukod sa NCR, nagkaroon din ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Northern Mindanao.
Iniuugnay ng DOH ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagpasok ng subvariants na BA 2.12.1 , BA .4 , AT BA .5
Una nang hinimok ng DOH ang publiko na magpa-booster shots dahil sa humihina na ang bisa ng primary shots ng COVID vaccine.
Facebook Comments