Wednesday, February 18, 2026

Average price ng regular-milled rice sa bansa, bahagyang tumaas sa unang phase ng February 2026

Bahagyang tumaas ang presyo ng regular-milled rice sa buong bansa sa unang phase ng Pebrero 2026 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa inilabas na datos ng PSA, nasa P45.54 ang kada kilo ng regular-milled rice na naitala mula noong February 1 hanggang 5.

Mas mataas sa P43.76 na naitala noong ikalawang phase at P43.14 sa unang phase ng January 2026.

Samantala, mas mababa naman ito kumpara sa P47.19 na nairecord noong second phase February 2025 at P47.77 noong unang phase sa parehong buwan at taon.

Facebook Comments