Umaabot sa 900 kada buwan ang average na repatriation ng Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Overseas Filipino Worker o OFW.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DMW Secretary, na ang repatriation ang karaniwang complaint na idinudulog sa kanila ng mga pamilya ng OFWs.
Kadalasan dito ang hindi magandang pagtrato sa kanila ng kanilang amo, tulad ng hindi napapakain ng tama, o hindi naibibigay ang sweldo.
Ayon kay Cacdac, tinutulungan nila ang mga ito sa pamamagitan ng One Repatriation Command Center.
Sa ilalim nito ay nagsama-sama ang mga ahensya ng pamahalaan upang mapabilis ang pagpapauwi sa mga OFW at maproseso ang kanilang mga claims on site, o kung kinakailangang magsampa ng kaso.
Facebook Comments