Avian Flu na naitala sa Nueva Ecija, hindi dapat ikabahala ayon sa DOH

Manila, Philippines – Nakapag-deploy na ng team ang Department of Health sa Nueva Ecija kasunod ng naitalang kaso Avain flu sa mga farm ng Jaen at San Isidro.

Ayon kay Asec Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH, bagamat wala pa silang kaso ng human transmission na naitatala, mananatili pa rin ang heightened surveillance ng ahensya para ma monitor ang mga indibidwal na nagkaroon ng direct contact sa mga infected na manok.

Pinapayuhan ng DOH ang publiko na manatiling kalmado dahil nanatili pa rin ang Avian flu bilang animal health concern.


Makakatulong rin aniya kung agad na ipagbibigay sa mga kinauukulan kung makararanas ng sintomas ng flu ang mga residente na malapit sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments