Pinulong ngayong araw ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang aviation officials para talakayin ang mga hakbang at papanagutin ang mga nagpabaya sa nangyaring technical glitch sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Kabilang sa mga pinulong ni Sec. Bautista ang mga opisyal ng CAAP, Civil Aeronautics Board o CAB at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng kalihim na nananatiling ligtas ang pagbiyahe sa himpapawid.
Iginiit din ni Bautista na kinakailangan sa ngayon na matutukan ang pagkakaroon ng full backup sa sistema ng air traffic para hindi na maulit ang naging aberya na nagresulta sa kanselasyon ng daan-daang flights.
Facebook Comments