Aviation safety monitoring, target na mapahusay ng CAAP kasama ang Aireon

Lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagitan ng Aireon na global provider ng space-based Automatic Dependent Surveillance–Broadcast (ADS-B) services.

Ayon sa CAAP, target nilang mapahusay ang aviation safety monitoring at gawing makabago ang imprastraktura ng aviation ng bansa at matiyak ang ligtas, maaasahan, at mahusay na paglalakbay ng publiko.

Ang Aireon ay magbibigay sa CAAP ng three-month free trial sa kanilang Aireon Safety Dashboard Platform, ang web-base analytics tool na idinisenyo para makatulong sa Air Navigation Service Providers upang matukoy, i-monitor at pag-aralan ang mga pangunahing safety risk indicators sa loob ng kanilang airspace.

Ang kasunduang ito ay nagmamarka ng isang patuloy na pag-unlad sa pakikipagtulungan sa pagitan ng CAAP at Aireon at suportahan ang air traffic monitoring and management ng Manila Flight Information Region (FIR).

Facebook Comments