AVID FAN | Pinoy barber, gumawa ng portrait ni Stephen Curry sa buhok ng kanyang kliyente

Cebu City – Kilala ang mga Pinoy sa hilig sa basketball.

Kaya naman marami ang hook na hook din sa panonood ng umaatikabong laban ng magkaribal na Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers sa NBA Finals.

At sa Cebu, isang barbero na avid fan ni Warriors Guard Stephen Curry ang gumamit ng buhok para ipakita ang kanyang paghanga sa NBA player.


Isang kliyente ni Neshell Dacalos ang ginupitan niya ng buhok kung saan sa likod na bahagi ay makikita ang portrait ni Curry katabi ang logo ng Golden State.

Noong isang taon, nag-viral din sa social media ang larawan ng kliyenteng ginupitan niya ng buhok na may larawan naman ng mukha ni LeBron James.

Facebook Comments