Hindi pa rin nasisimulan ang clinical trial sa Pilipinas ng Japanese anti-flu drug na Avigan bilang treatment sa COVID-19 patients.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hanggang ngayon ay hindi pa pinal ang budget para sa siyam na buwang itatakbo ng trial na sisimulan sana nitong Agosto 17.
Bukod dito, hindi pa rin tapos ang approval ng ethics board ng mga ospital na kasali sa trial.
Mula sa apat na pagamutan, ang ethics board ng Philippine General Hospital pa lang ang nakakapag-approve sa naturang scientific study.
Umaasa ang Department of Health (DOH) na bago ang Septyembre 1, 2020 ay matatapos na ang lahat ng proseso para sa clinical trials ng Avigan.
Facebook Comments