Kinumprima ng Department of Health (DOH) na nagsimula na nitong Nobyembre 20, 2020 ang clinical trial ng Japanese anti-flu drug na Avigan sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa walo pa lamang ang participant para sa kasalukuyang Avigan trial na sinasabing panlaban sa COVID-19.
Tatlo sa mga pasyente ay mula sa Philippine General Hospital (PGH), tatlo rin sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (DJNRMHS) at dalawa sa isang labor hospital.
Habang patuloy naman ang paghahanap ng ibang pasyente mula sa Santa Ana Hospital.
Aminado naman si Vergeire na ang walong participant ay malayong-malayo sa target na 144 patients.
Sinabi naman ni Vergeire na nagkaroon na ng revision sa ethics para sa protocol sa Avigan trial at ito ay naaprubahan na.
Nagpatupad na rin ng less stringent criteria para maisama ang ibang pasyente at dumami pa ang makikibahagi sa Avigan trial.
Ang mga non-severe patient na walang pneumonia at mga low oxygen support ay maaaring maisama na sa trial.