Cauayan City – Upang mas mapaigting ang kampanya kontra pang-aabuso at kriminalidad, nagsagawa ng Information Awareness Campaign ang Roxas Police Station sa Brgy. Vira, Roxas, Isabela.
Layunin ng aktibidad na ito na mas mapalawak pa ang kaalaman ng publiko pagdating sa tumataas na bilang ng Rape Cases at Gender Based Violence Cases sa lipunan.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang patungkol sa M.O.V.E o ang Men Opposed To Violence Against Women Everywhere, Buhay Ingatan Droga’y Ayawan na programa ng DILG, Bawal Bastos Law, Violence Against Women and their Children, at Anti-Rape Law.
Dumalo sa nabanggit na aktibidad ang mga personnel mula sa iba’t-ibang sangay ng PNP Isabela, at mahigit 150 na indibidwal na kinabibilangan ng Barangay officials, BPAT members, at Vawc Desk Officers mula sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Roxas.
Ang tagumpay na pagsasagawa ng Information Awareness Campaign ay tiyak na makatutulong upang mas mapalakas pa ang kampanya ng kapulisan kontra sa pang-aabuso at kriminalidad dahil katuwang na nila ang komunidad sa pagsugpo sa mga ito.