Inatasan ni Police Regional Office 4B Director Police Brig. General Joel Doria ang lahat ng kanilang tauhan na palakasin ang awareness campaign hinggil sa price ceiling ng bigas sa buong rehiyon.
Ayon kay BGen. Doria, Ito’y bilang tugon sa itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na price ceiling sa bigas na nakasaad sa Executive Order No. 39.
Tiniyak ni BGen. Doria ang pagbibigay ng police assistance sa Department of Trade and Industry at Department of Agriculture sa pagpapatupad ng kautusan ng pangulo.
Aniya, ang PRO MIMAROPA sa paggabay ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., at PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ay nakikiisa sa adhikain ng pangulo na siguruhing abot-kaya para sa lahat ang presyo ng bigas.
Nabatid na ang mga lalabag sa price ceiling na P41 kada kilo para sa regular-milled at P45 para sa well-milled rice, ay mahaharap sa pagka bilanggo ng isa hanggang 10 taon, at multang mula P5,000 hanggang P1M.